Pangulong Digong at SAP Go, tuloy lang sa pagtulong sa mga nangangailangan

Pangulong Digong at SAP Go, tuloy lang sa pagtulong sa mga nangangailangan

July 18, 2018 @ 10:34 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Walang makapipigil kina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Special Assistant to the President (SAP) Bong Go na gawin ang kanilang obligasyon sa bayan.

Sinabi ni Go na hindi sila mapipigilan ng oposisyon at mga kritiko ng administrasyon sa pagtulong sa mga nangangailangan dahil tungkulin nila ang tumulong .

Kaya nga aniya palaging bukas ang kanilang tanggapan para sa mga nangangailangan at gustong lumapit sa gobyerno.

Samantala, muling nilinaw ni Go na hindi siya interesadong tumakbo sa kahit na anong posisyon sa eleksyon. (Kris Jose)