Pangulong Digong, hindi kaaway ang Simbahang Katolika

Pangulong Digong, hindi kaaway ang Simbahang Katolika

June 20, 2018 @ 11:50 AM 4 years ago


Manila, Philippines – Hindi kaaway ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Simbahang Katolika.

Sa katunayan ay labis din ang pagkabahala ni Pangulong Duterte sa magkakasunod na pagkakapatay sa tatlong pari kamakailan.

Sa ginanap na Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) General Membership Meeting sa Makati City, sinabi ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go na handa ang Punong Ehekutibo na magbigay ng proteksyon sa mga pari sa pamamagitan ng PNP kung kinakailangan.

Aniya, kaya minsan kritikal si Pangulong Duterte sa mga pari ay dahil ayaw niyang pinapangunahan o pinapakialaman siya ng mga alagad ng Simbahan sa kanyang trabaho bilang pangulo ng bansa.

Dapat gawin na lamang ng mga pari ang kanilang tungkulin habang siya naman ay magtatrabaho alinsunod sa kanyang mandato.

Sa nasabing okasyon, game na nakipagbiruan at nagkuwento si Sec. Go sa mga miyembro ng KBP kaugnay sa mga tunay na damdamin, saloobin, trabaho at hangarin ni Pangulong Duterte sa administrasyon.
(Kris Jose)