Pangulong Digong, itinalaga ang Davao-based official bilang bagong COMELEC Commissioner

Pangulong Digong, itinalaga ang Davao-based official bilang bagong COMELEC Commissioner

June 20, 2018 @ 5:11 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Opisyal nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Davao-based official na si Marlon Casquejo bilang bagong commissioner ng Commission on Elections (COMELEC).

Pinalitan ni Casquejo si retired Commissioner Christian Robert Lim.

Si Casquejo ay dating Assistant Regional Director ng COMELEC-Davao, may pitong taong termino na magtatapos sa Pebrero ng 2025 at sinasabing ikatlong appointee ni Pangulong Duterte sa nasabing komisyon. (Kris Jose)