Pangulong Digong, pinuri si Speaker Arroyo

Pangulong Digong, pinuri si Speaker Arroyo

July 27, 2018 @ 7:00 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines –Ā Dahil sa pagiging magaling na ekonomista ay pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte si bagong House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Labis na humanga ang Chief Executive kay Speaker Arroyo nang tumawag ito sa kanya may dalawang linggo na ang nakalilipas kung saan ay pinag-usapan nila ang pagbibigay solusyon sa inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Sa katunayan aniya ay isa sa mga solusyon na nakikita ngayon ng pamahalaan sa inflation ay ang rice tarrification.

ā€œI hope that thereā€™ll be changes, na mayroong bagong Speaker. And at mabuti because Gloria is an economist. She was the one who called me about two weeks ago to do something about the inflation,” ayon kay Pangulong Duterte. Kris Jose