Pangulong Digong, waiting sa imbitasyon para sa pagbisita sa burol ng dalawang pinatay na Alkalde

Pangulong Digong, waiting sa imbitasyon para sa pagbisita sa burol ng dalawang pinatay na Alkalde

July 4, 2018 @ 9:19 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Agad na ipararating ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung may imbitasyon para dumalaw sa burol ng dalawang Alkalde na magkasunod na pinatay.

Sa ngayon ay wala pang kahit na anumang imbitasyon na ipinapadala sa kanya.

Aniya, nakikiisa ang Malakanyang sa pagkondena sa pagpatay kay Tanauan City Mayor Antonio Halili, nangyaring pananambang kay Mayor Ferdinand Bote ng Gen. Tinio, Nueva Ecija at iba pang uri ng patayan.

Hindi aniya nila kinokonsinti ni Pangulong Duterte ang mga walang kapararakang patayan at iba pang paglabag sa karapatang pantao.

Nauna nang lumabas ang mga balitang nabigyan umano ng maling impormasyon ang Pangulo kaya napasama sa narcolist si Mayor Halili sa kabila ng kampanya nito kontra illegal drugs at iba pang kriminalidad sa pamamagitan ng pagpaparada sa mga ito sa kanyang lungsod na tinawag na ‘shame campaign’ habang si Mayor Bote naman ay masugid na taga-suporta ni Pangulong Duterte at wala ito sa narcolist. (Kris Jose)