Pangulong Duterte at Hollywood star Stephen Baldwin nag-groufie

Pangulong Duterte at Hollywood star Stephen Baldwin nag-groufie

August 2, 2018 @ 3:16 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Nakipag-groufie  si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Hollywood actor at film producer na si Stephen Baldwin sa Grand Hyatt Hotel sa Bonifacio Global City sa Taguig matapos na nag-courtesy call ito sa kanya.

Kasalukuyang nasa bansa si Baldwin para magsimula sa kanyang shooting sa pelikulang “Kaibigan” kung saan tinatalakay ang kampanya kontra sa ilegal na droga sa Pilipinas.

Hindi naman napigil si Baldwin na purihin si Pangulong Duterte hinggil sa istilo ng pamumuno nito.

Sa kabilang dako, kasama rin sa pagpupulong sina Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson na gaganap sa pelikula bilang isang reporter at Special Assistant to the President Christopher Bong Go na gaganap naman na isang coach at si dating Tourism Promotions Board Chief Cesar Montano.

Sinabi ng Chief Executive  na tinututupad lang niya ang kanyang pangako noong panahon ng kampanya na tutugunan ang problema sa ilegal na droga, kriminalidad at iba pa.

Aniya, welcome naman sa bansa si Baldwin. (Kris Jose)