Manila, Philippines – Ayaw ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang isusuot niyang barong sa kanyang ikatlong State of The Nation Address (SONA) bukas, Hulyo 23 ay makati sa katawan.
Ayon kay Cebu-based designer Cary Santiago, isang simpleng off-white barong na gawa sa piña ang tela ang inihanda nito.
Gayunman, hindi niya sigurado kung ang kaniyang gawa nga ang isusuot ng Pangulo dahil baka magbago pa ang isip nito.
Si Santiago rin ang gumawa ng susuotin nina Davao City Mayor Sara Duterte ang ina nitong si Elizabeth Zimmerman, at mga anak ng Pangulo na sina Baste at dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte. (Kris Jose)