Pangulong Duterte, ayaw nang makipag-usap sa mga rebelde

Pangulong Duterte, ayaw nang makipag-usap sa mga rebelde

July 7, 2018 @ 10:30 AM 4 years ago


Manila, Philippines – Wala nang ganang makipag-usap si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga rebeldo matapos ang mga naging pahayag ni Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria “Joma” Sison.

Ayon kay Duterte, ayaw na niyang kausapin si Sison lalo na at sa una pa lamang daw ay nais na nito na paalisin siya sa pwesto at pabagsakin ang gobyerno.

“Kaya ang sabi ko kay Sison ngayon, ‘ayaw ko na makipag-usap sa inyo kasi sabi ninyo three years na lang pala ako dito. Wala na akong time makipag-usap sa inyo. Bahala na kayo diyan,” pahayag ng Pangulo sa talumpati sa National Science and Technology Week sa Mindanao sa Davao City.

“Kung ‘yun ang ginusto ng tao, I am ready to be ousted.  Pero fight muna tayo,” hamon pa ng pangulo.

Dagdag pa nito, halos limampung taon nang nakikipaglaban sa pamahalaan si Sison kung saan muli siyang magsisimulang magbilang ng taon sa pakikibaka.

Matatandaan na naglabas ng hinanaing si Sison matapos na kanselahin ng mga opisyal ni Duterte ang peace talks noong katapusan ng buwan ng Hunyo dahil nais pa daw itong idaan sa public consultation. (Remate News Team)