Pangulong Duterte, byaheng Malaysia sa Hulyo 16

Pangulong Duterte, byaheng Malaysia sa Hulyo 16

July 9, 2018 @ 7:41 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Biyaheng Malaysia si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Hulyo 16 para personal na makausap si Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad.

Sinabi ng Pangulo na bago pa ang 27th Cabinet meeting ay nagkausap na sila sa telepono ni Mahathir.

Pinag-usapan aniya  nila ang insurgency  at ang ISIS.

Matapos aniya ang boksing o laban ng Pambansang Kamao Sen. Manny Pacquiao vs Lucas Matthysse sa darating na Linggo, Hulyo 15 ay magu-usap na sila ni Mahathir.

“Had Telephone talk with Mahathir before cabinet meeting. He wants to talk about insurgency and ISIS. We will be there July 16. After boxing, will talk with Mahathir,” ayon sa Pangulo.

Hindi naman malinaw kung personal na manonood ng laro ni Pacman si Pangulong Duterte o manonood lamang ito sa telebisyon. (Kris Jose)