Pangulong Duterte, hindi natawa sa viral video ni Asec. Mocha

Pangulong Duterte, hindi natawa sa viral video ni Asec. Mocha

August 7, 2018 @ 4:43 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Hindi natawa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte nang mapanood ang viral video nina Presidential Communications Operations Office (PCOO) Asec. Mocha Uson at ng blogger na si Drew Olivar na ‘malaswang’ ipino-promote ang Pederalismo.

Iyon nga lamang, “Very cool” naman ang nasambit ng Pangulo ukol sa nasabing video.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque,  maliban sa cabinet meeting ay nagkaroon siya ng hiwalay na meeting kay Pangulong Duterte kasama sina Executive Sec. Salvador Medialdea, Finance Secretary Carlos Dominguez at Budget Secretary Benjamin Diokno at napag-usapan ang isyu kay Uson.

At dahil aniya sa naging kontrobersiyal na ang video, sinabi ni Sec. Roque na mas makabubuting samantalahin na lang ang oportunidad sa mas matalinong diskurso.

Naniniwala aniya ang Pangulo sa freedom of expression.

“Sa ngayon, ikinakasa na ng inter-agency committee ang pagpapaliwanag sa pederalismo. May mga suhestyon na aniya ang inter-agency na gumawa ng komiks at jingle para mas madaling maintindihan ng taong bayan ang Pederalismo”, ani Sec. Roque. (Kris Jose)