Pangulong Duterte, humirit ng 48 oras bagong lagdaan ang BOL

Pangulong Duterte, humirit ng 48 oras bagong lagdaan ang BOL

July 23, 2018 @ 6:42 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Humingi ng 48 oras si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para lagdaan ang Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ito’y kapag naaprubahan na ang bersyon na ipadadala sa kanya at matatanggap ng kanyang tanggapan.

“The law has been passed actually and I intend to… Give me 48 hours to sign it and ratify the law. Babasahin ko pa bago ko pipirmahan. Baka may isiningit kayo diyan na hindi maganda para sa — para sa ibang tao,” anito sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) na idinaos sa Session Hall sa  House of Representatives, Batasang Pambansa Complex, Quezon.

Sa kabilang dako, sinabi pa rin ng Chief Executive na na kahit maraming sectoral groups   ang tutol sa Bangsamoro Organic Law ay ibibigay pa rin niya ang kanyang “solemn commitment” na ang administrasyon ay hindi kailanman ipagkakait ang mga pangunahing pangangailangan ng mga kapatid na Muslim.

“We will need loads of understanding and patience to endure and overcome the birth pangs or pains of the new beginning. To me, war is not an option. We have been through the catastrophe in Marawi. We have seen the horror, the devastation, and the human toll and the displacement of both Christians and Muslims alike,” aniya pa rin. (Kris Jose)