Pangulong Duterte, inatasan ang Kongreso na magpasa ng batas hinggil sa Coconut Farmers’ Trust Fund

Pangulong Duterte, inatasan ang Kongreso na magpasa ng batas hinggil sa Coconut Farmers’ Trust Fund

July 23, 2018 @ 8:03 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Inatasan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Kongreso na i- convene o tipunin ang [bicameral] conference committee at magpasa sa lalong madaling panahon ng isang batas na mage-establisa ng Coconut Farmers’ Trust Fund.

“ I pray that you will do it,” ani Pangulong Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) na idinaos sa Session Hall sa  House of Representatives, Batasang Pambansa Complex, Quezon.

Aniya, ang mga magsasaka lalo na ang mga coconut farmers ay may malaking parte sa tinatawag na “basic sectors of society”.

Dahil aniya sa mga kamay ng mga ito ay mayroong pagkain sa hapag-kainan.

Kaya nga, umaasa ang Pangulo na makita niyang makapagpasa ng Coconut Farmers’ Trust Fund bill ang Kongreso. (Kris Jose)