Pangulong Duterte, ipinagdarasal ang EJK victims

Pangulong Duterte, ipinagdarasal ang EJK victims

August 4, 2018 @ 9:40 AM 4 years ago


Manila, Philippines – Ipinagdarasal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga biktima ng extrajudicial killings (EJKs) para makapunta sila ng langit.

Ito ang inamin ng pangulo sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng P500 milyong halaga ng Northern Mindanao Wellness and Reintegration Center, ang pinakamalaking rehabilitation center na donasyon ng mga Chinese businessman.

“You enjoy your human rights there in heaven kasi God promised you that victims of EJKs go to heaven. ‘Yan ang sabi ko sa Diyos,” aniya.

Dagdag pa ng pinakamataas na lider ng bansa na sinagot ng Diyos ang kanyang dasal, “sabi naman ng Diyos, ‘Puwede, puwede.’ Gagawin ko ba naman ‘yan kung walang guarantee? Kasi kaawa naman. Nagdrodroga ka, impiyerno ka. God, pagbigyan mo na lang ‘yan.”

Naniniwala ang administrasyong Duterte na kailangang isailalim sa rehabilitasyon at gamutin ang mga drug adik. (Remate News Team)