Pangulong Duterte, kinalampag ang Kongreso na tapusin na ang kontraktuwalisasyon

Pangulong Duterte, kinalampag ang Kongreso na tapusin na ang kontraktuwalisasyon

July 23, 2018 @ 8:08 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Kinalampag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang  Kongreso na magpasa ng batas na tatapos sa nakasanayang kontraktuwalisasyon.

Sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) na idinaos sa Session Hall sa  House of Representatives, Batasang Pambansa Complex, Quezon.ay sinabi ng Pangulo na batid niyang hindi ito magugustuhan ng lahat ng sektor.

“Read my lips, I understand that this does not satisfy all sectors. I share their sentiment; I truly do. Much as I would like to do the impossible, that power is not vested upon me by the Constitution. And neither will I make both ends meet even if I violate the laws to achieve that purpose. Simply, it is not part of my territory,” lahad ni Pang. Duterte.

Iyon ang dahilan kung bakit isinama niya ang kanyang boses sa mga nananawagan sa Kongreso na magpasa na sa lalong madaling panahon ng batas na magbibigay tuldok sa kontraktuwalisasyon.

Sa kabilang dako, ang kanyang  kampanya aniya laban sa Endo o End of Contract ay nagresulta ng regularisasyon sa mahigit 300,000 manggagawa.

Nito lamang Mayo 1 ng taong kasalukuyan ay nilagdaan niya ang Executive Order 51 na naglalayong  bigyang proteksyon ang mga manggagawa sa kanilang right to security of tenure. (Kris Jose)