Pangulong Duterte, manunuod ng labang Pacquiao vs Matthysse sa Malaysia

Pangulong Duterte, manunuod ng labang Pacquiao vs Matthysse sa Malaysia

July 10, 2018 @ 11:18 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Nakatakdang lumipad si Pangulo Rodrigo Duterte papuntang Malaysia upang makipagkita kay Prime Minister Mahathir Mohamad tat manuod ng title fight ni Pambansang kamao  Manny Pacquiao.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque na lilipad si Duterte sa Malaysia sa July 15-16 matapos makatanggap ng tawag ang pangulo mula kay Mahathir.

Ang byahe ng punong ehekutibo  sa Malaysia ay pribado at hindi official o working visit.

Tiyempo ang pagbisita ng pangulo sa capital ng Malaysia na Kuala Lumpur kung saan magaganap ang laban ni Pacquiao at ni World Boxing Association welterweight champion Lucas Matthysse ng Argentina sa July 15.

Pagtapos ng laban, magkakaroon ng meeting si Duterte kay Mahathir tungkol sa isyu ng bilateral concer kabilang na ang Islamic extremism at pamimirata sa karagatan.

Sa tawag kay Duterte, sinabi ng Malakanyang sa isang press release na, “At the same time, Duterte invited Malaysia to revive the joint consultative meeting to build a platform for advancing relations and discuss pending agreements and other possible collaboration.”

“The President then thanked Mahathir for taking care of Filipinos in Malaysia.”

Huling bumisita si Duterte sa Malaysia noong November 2016 noong siya ay nagkaroon ng bilateral meering kay Razak, dating prime minister ng Malaysia. (Remate News Team)