Pangulong Duterte, may naka-iskedyul nang rehearsal para sa kanyang SONA

Pangulong Duterte, may naka-iskedyul nang rehearsal para sa kanyang SONA

July 12, 2018 @ 2:33 PM 5 years ago


Manila, Philippines – May naka-iskedyul nang rehearsal si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa kanyang ikatlong State Of the Nation Address (SONA).

Iyon nga lamang ay hindi naman masabi ni Presidential spokesperson Harry Roque kung kailan ang nasabing rehearsal.

Ang pangako ng Pangulo ay babasahin niya ang prepared SONA speech na tatagal naman ng 35 minuto.

Sa kabilang dako, nananatiling bawal ang extravagant na kasuotan sa mga kakababaihang asawa ng mga kongresista.

“But they have their ways to become elegant noh. o, Let them be with their ways, ok,” anito.

At hinggil naman sa anong barong at sinong ang gagawa ng barong ng Pangulo ay sinabi ni Roque na babaeng designer na taga-Davao ang gagawa nito.

Iyon nga lamang ay hindi niya maalala ang pangalan ng designer na ito.

“Na meet ko na iyong gumagawa ng barong niya. Babae pero hindi ko maalala ang pangalan. Dati pa niyang taga-davao, dati pa niyang taga-gawa ng barong iyon. Basta na-meet ko na siya pero hindi ko maalala ang pangalan. I don’t know if she will do it again pero wala namang ibang kinukuha si Presidente noh,” ayon kay Sec. Roque.

Noong nakaraang taon, ang designer na si Bonie Adaza ng Chardin sa Davao ang gumawa ng barong-tagalog ni Pangulong Duterte.

Marawi inspired ang barong ng Pangulo na may disenyo ng okkil.

Naunang  inirekumenda ng kanyang common-law-wife na si Honeylet Avancena na i-recycle nalang ang barong na sinuot ni Pangulong Duterte sa ASEAN pero nagrekumenda si Adaza na gumawa ng bago. (Kris Jose)