Pangulong Duterte, nagbantang ilalabas ang sex video ni Senator De Lima kung hindi titigil sa pagbatikos

Pangulong Duterte, nagbantang ilalabas ang sex video ni Senator De Lima kung hindi titigil sa pagbatikos

June 21, 2018 @ 2:40 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Nagbanta si Pangulong Rodrigo Roa Duterte   na ilalabas niya ang sex video ng nakakulong na si Sen. Leila De Lima kapag hindi ito tumigil sa pagbatikos sa kanya.

Hindi kasi nagustuhan ni Pangulong  Duterte ang ginawang paggamit  ni Sen. De Lima sa isyu ng ginawa niyang paghalik sa labi ng isang OFW sa South Korea para siya’y batikusin.

Sa kabilang dako, ikinuwento naman ng Punong Ehekutibo ang kanyang pagdating sa paliparan ng Iloilo City kung saan ay may  dalawang babaeng matanda umano ang bumati sa kanya at hinalikan siya sa labi.

Hindi naman umano maituturing na kabastusan ang ginawa sa kanya ng nasabing mga may edad na ring mga kababaihan.

Aniya, hindi kabastusan ang kanyang ginawa at tinawag na mas bastos ang ginawa ng mambabatas na nakipag-relasyon sa isang lalaking may asawa. (Kris Jose)