Pangulong Duterte, nagka-problema kay Cong. Alvarez dahil sa No-El

Pangulong Duterte, nagka-problema kay Cong. Alvarez dahil sa No-El

July 24, 2018 @ 3:21 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Nagkaroon ng problema si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa No El o No Elections ni dating House Speaker Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez.

Tila nabagabag ang Pangulo sa lantarang pahayag ni Alvarez sa posisyon nito sa No El.

“I do not know. I’m now speculating ha, but even the President had problems with the call of the House Speaker on no-el – no elections. And I noticed that the President was visibly concerned about the pronouncements of the Speaker on no election in so far as he related also no elections to federalism,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Nananatili aniya ang posisyon ng Pangulo na ang pederalismo ay kailangang tanggapin ng taumbayan sa merito nito.

“He has always said that he did not want to benefit ‘no from charter change. So I noticed that there was much concern on the part of the President with the pronouncements on no-el, and I think you will recall here that he used very strong language; he authorized me to restate what he said in relation to no-el – and that is under no circumstance will he have any hand in that ‘no,” ani Sec. Roque.

Sa ulat, patuloy na isusulong at hindi isusuko ni Alvarez ang kanyang paninindigan na ipagpaliban muna ang midterm elections sa 2019  kaugnay ng isinusulong na paglipat sa pederalismo sa gobyerno.

Sinabi ni Alvarez  na kung hindi sasang-ayon ang Senado para sa pagpapa­liban ng 2019 elections  ay maaari pa rin itong maisulong sa pamamagitan ng people’s initiative upang amyendahan ang pro­bisyon ng Konstitusyon na isagawa ang halalan kada ikatlong taon.

Binigyang diin ni Alvarez na isinasapinal pa nila ang draft ng panukalang Federal Charter sa Kongreso at sinabing umaasang hindi ito sasalungatin ng Senado.

Sakali mang mangyari ito ay isusulong nila ang Constituent Assembly (Con-Ass)  para makakuha ng ¾ na boto bago ito isumite sa taumbayan para sa ratipikasyon ng referendum.

Iginiit ng dating House Spea­ker sa ilalim ng 1987 Constitution ay hindi inoobliga ang dalawang Kapulungan na mag-convene para sa con-ass.

Inihayag pa nito na tinatayang aabutin ng anim hanggang walong buwan bago makumpleto ang debate at deliberasyon sa Fe­deral Charter at idinagdag pang seryoso ang pamahalaan sa charter change para sa federal form of government. Kris Jose