Pangulong Duterte, nakarating na sa Malaysia

Pangulong Duterte, nakarating na sa Malaysia

July 15, 2018 @ 10:17 AM 4 years ago


 

Kuala Lumpur, Malaysia – Nakarating na ng Kuala Lumpur, Malaysia si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Sabado ng gabi (July 14), ayon kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go.

Kasama ng pangulo na dumating sa kapitolyo ng Malaysia sina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, National Security Adviser Hermogenes Esperon, Mindanao Development Authority Chairman Datu Abul Khayr Alonto, at Presidential spokesperson Harry Roque.

Nagtungo ang pangulo sa Kuala Lumpur upang panuorin ang title fight ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao at upang makipagkita kay Prime Minister Mahathir Mohamad.

Kahit na magkakaroon ng pagpupulong ang dalawang lider, nilinaw ng palasyo na ang pagpunta ni Duterte sa kapitolyo ng Malaysia ay personal at hindi official o working visit. (Remate News Team)