Pangulong Duterte, pagod na… posisyon handang ibigay sa mas batang lider

Pangulong Duterte, pagod na… posisyon handang ibigay sa mas batang lider

July 9, 2018 @ 6:08 PM 4 years ago


Manila, Philippines – “I am tired.”

Ito ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa 27th Cabinet Meeting matapos niyang atasan ang Consultative Committee na maghalal ng transitional President.

Handa si Pangulong Duterte na putulin ang kanyang termino at maging co-terminus sa pagsisimula ng transition period.

Pumayag naman ang Concom dito.

Layon nito na alisin ang pagdududa na nais niyang palawigin ang kanyang termino.

“I instructed Consultative Committee to elect a transitional President. I am willing to cut my term to be co- terminus with start of transition period. Committee agreed. It’s to remove all suspicions and I am tired. Ready to give it to somebody else,” ayon kay Pangulong Duterte.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na handa si Pangulong Duterte na ibigay ang kanyang posisyon sa mas bata at handang maging lider ng bansa.

“Electing a transitional leader would enable a younger leader to take-over,” anito pa rin.

Si Pangulong Duterte ay magsisilbi lamang bilang halal na Pangulo ng bansa ng hanggang taong 2022. (Kris Jose)