Pangulong Duterte, siniguro ang tulong sa mga nasunugan sa Jolo

Pangulong Duterte, siniguro ang tulong sa mga nasunugan sa Jolo

July 28, 2018 @ 12:03 PM 5 years ago


Sulu – Tatlo hanggang apat na fire trucks ang ibibigay ng pamahalaan sa loob lamang ng buwang ito sa Jolo, Sulu.

Ito ang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa distribusyon ng relief goods sa mga pamilyang apektado ng malaking sunog sa Jolo, Sulu noong Martes (July 24).

Plano rin ng gobyerno na mag-donate ng fire-fighting helicopter dahil masyadong malayo ang lugar at hindi agad maaabot ng gobyerno.

Nasa P15,000 na financial assistance sa kada pamilya rin ang ibibigay sa Lunes at magpapadala rin ng mga materyales para sa pagpapatayo ng bahay ng mga biktima sa unang linggo ng Agosto.

Umabot sa 26,000 na katao ang naapektuhan ng sunog sa Jolo na tumagal ng higit-kumulang siyam na oras. (Remate News Team)