Pangulong Duterte, tumulak na pa-Indonesia

Pangulong Duterte, tumulak na pa-Indonesia

October 10, 2018 @ 8:08 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Tumulak na ngayong gabi si Pangulong Rodrigo Duterte patungong Bali, Indonesia para makipagpulong sa mga lider ng Southeast Asian kaugnay sa isyu ng UN’s Sustainable Development Goals at economic development sa rehiyon.

Alas-6:17 ng gabi nang mag-take off ang eroplanong sakay si Pangulong Duterte mula sa Awang Airport sa Cotabato City ayon sa Malacañang.

Ang ASEAN Leaders Gathering ay isa sa mga pangunahing event sa IMF-WB meeting.

Babalik naman  ng bansa ang Pangulo bukas ng gabi. (Remate News Team)