Pangulong Duterte, umaasang paga-aralang mabuti ang ConCom

Pangulong Duterte, umaasang paga-aralang mabuti ang ConCom

July 3, 2018 @ 4:44 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Hihikayatin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte  ang kanyang mga kapartido sa Kongreso na pag-aralang mabuti ang inaprubahang draft ng Consultative Committee.

Ang mga ito ang  naatasang pag-aralan ang Saligang Batas para mabuo ang federal form of government.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na tiwala si Pangulong Duterte bilang Chairman ng Partido Demokratiko Pilipino-Laban (PDP-Laban) na bibigyan ng bigat ng kanyqng mga kaalyado sa Kamara ang inaprubahang draft ng ConCom.

Nananalig din ang Punong Ehekutibo  na kakatigan ng Senado ang proposed revision ng nasabing lupon

Sa kabilang dako,  sinabi ni Sec. Roque na ang mga mambabatas pa rin ang magdedesisyon sa pagbuo ng panibagong Saligang Batas at ang tanging magagawa ng ehekutibo ay magsumite ng kanilang rekomendasyon.

“We have a supermajority in the House. I think, at least in the House, it will be very persuasive. We’re hoping to be equally persuasive in the Senate,” ayon kay Sec. Roque.

Nauna rito,  inaprubahan na ng 22-member panel ng Consultative Commission ang kanilang draft para sa magiging laman ng panukalang amyenda sa Saligang Batas. (Kris Jose)