Pangunguna ni Sara sa survey magpapaigting sa presidential bid – HNP

Pangunguna ni Sara sa survey magpapaigting sa presidential bid – HNP

July 14, 2021 @ 7:09 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Mas paiigtingin ang posibilidad na pagtakbo sa pagka-presidente ni Davao City Mayor Sara Duterte ang pangunguna nito sa Pulse Asia survey, batay sa isang opisyal ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) party.

“Of course having a high rating is definitely a boost for any candidate including Mayor Sara. At the end of the day, she needs to make a decision based on other factors, not only the survey. There are other factors that come into a play when thinking of running for president,” saad ni HNP secretary general Anthony del Rosario sa isang online briefing.

Ayon kay Del Rosario, hindi makapagdedesisyon ang HNP para kay Mayor Sara sa plano nito sa susunod na eleksyon ngunit hihikayatin at susuportahan ito partido.

“It is only Mayor Sara who can decide whether she runs for presidency in 2022,” aniya.

Sinabi rin ni Del Rosario na hindi interesado si Mayor Sara sa Duterte-Duterte tandem.

Parehas nanguna ang mag-ama sa nasabing survey kung saan si Pangulong Duterte sa pagka-bise-presidente. RNT/ELM