Panibagong COVID surge, ibinabala ng eksperto

Panibagong COVID surge, ibinabala ng eksperto

March 20, 2022 @ 10:30 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Nagbabala ang infectious diseases expert na si Dr. Rontgene Solante na posibleng maharap sa panibagong wave ng COVID-19 ang Pilipinas, gaya ng naranasan ng Hong Kong, South Korea at Vietnam.

Kaugnay nito, tinukoy ni Solante ang tatlong factor na maaaring magdulot ng panibagong pagsipa ng COVID-19 cases:

Una rito ay ang mas nakahahawang Omicron BA.2 subvariant na dominant ngayon sa Hong Kong, South Korea at sa Pilipinas.

Pangalawa, ang pagbubukas ng bansa at pagluluwag ng ilang health protocols.

At ikatlo, ang bumababang immunity ng bakuna laban sa COVID-19 infection.

“If you look at these countries, it’s because of the waning immunity and the ability of the Omicron BA.2 to evade the antibody that is being produced by the vaccine,” ani Solante.

Kasabay nito, binigyang-diin ni Solante ang kahalagaang ng pagpapaturok ng booster shots para mapataas ang proteksyon kontra COVID-19.

Hanggang noong Marso 14, nasa 11.16 milyong indibidwal pa lamang mula sa higit 33 milyong eligible population ang nakatanggap ng booster dose.

“We are planning a fourth dose or a second booster for the vulnerable population. Just to make sure that by the time we have a spike or surge in May, June, July, this population will still be protected from COVID,” dagdag ng infectious diseases expert.

Nanawagan naman si Solante sa publiko na patuloy na sumunod sa mga health protocols at mag-ingat sa mga potensyal na superspreader events lalo na ngayong eleksyon.

“Yes we are in a good situation now that our cases are low but it does not guarantee that we will not have another spike or surge in cases. The other part is our testing capacity. Less are testing now so how will we know that we are below 1,000? So the true picture of the number of cases does not reflect,” saad niya.

Hinikayat din nito ang gobyerno na panatilihin pa ng ilang buwan ang Alert Level 1 sa Metro manila at iba pang lugar sa bansa.

“I don’t agree with downgrading, downsizing at zero. Remain at alert level one and let’s see after the elections, we will see if the cases are stable, increasing or not. We can reassess,” giit ni Solante. RNT/ JCM