Panibagong gold sinungkit ni Obiena

Panibagong gold sinungkit ni Obiena

September 12, 2022 @ 3:42 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Muling umakyat sa tuktok ng podium si  EJ Obiena matapos pagharian ang Liechtenstein leg ng 2022 Golden Fly Series ngayong Lunes.

Nakuha ni Obiena ang 5.71-meters para mangibabaw sa field ng anim na pole vaulter, kung saan pumangalawa ang American Olen Tray Oates na may 5.61-meters.

Nakumpleto ni Riccardo Klotz ng Austria ang podium sa pagtalon ng 5.51-meter.

Ito ang pinakahuling sunod-sunod na magagandang resulta para kay Obiena, na nanalo ng apat sa kanyang nakaraang anim na kaganapan kabilang ang Memorial van Damme, ang Brussels leg ng Diamond League.

Nalagay si Obiena sa ikalawang puwesto sa ISTAF Berlin sa Germany noong nakaraang linggo na may 5.81 metro.

Sa Liechtenstein, tinangka ni Obiena na pagandahin ang kanyang personal na pinakamahusay na 5.94-meter ngunit nabigo itong lusutan ang 6.0-metro sa  tatlong pagtatangka.

Mula noong Agosto 23, nanalo si Obiena sa Stabhochsprungmeeting, sa #True Athletes Classics, at sa City Jump sa Germany.

Kumuha rin siya ng bronze sa Athletissima, ang Lausanne leg ng Diamond League.

Noong Hulyo, gumawa ng kasaysayan si Obiena sa pamamagitan ng pagkapanalo ng bronze sa World Athletics Championships sa Oregon, kung saan muli niyang itinakda ang pambansa at Asian record sa pamamagitan ng pag-clear sa 5.94-meters.RICO NAVARRO