Panibagong IED attack ng NPA sa militar, kinondena ng CHR

Panibagong IED attack ng NPA sa militar, kinondena ng CHR

July 9, 2021 @ 7:40 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang panibagong insidente ng pagsabog ng improvised explosive device (IED) sa Eastern Samar mula sa mga rebeldeng NPA na kumitil sa buhay ng isang sundalo at dalawang militia member.

Giit ng CHR, walang ideolohiya ang makapagbibigay-katwiran sa kahit anong paglabag sa karapatang pantao dahil sa IEDs.

Hindi kasi anila nakikila ng IEDs kung sino sa pagitan ng mga mandirigma at sibilyan ang mapupuksa nito at hindi dapat ito gamitin sa armadong pakikidigma ng NPA.

Tiniyak naman ni CHR deputy spokesperson Marc Louis Siapno na iimbeatigahan nila ang insidente.

“[CHR] condemns another ambush allegedly carried out by members of the New People’s Army against government forces in Jipapad town, Eastern Samar on Wednesday morning, 7 July 2021,” ani Siapno.

“In the larger view, we reiterate that no ideology can justify violations of human rights nor be used as a reason to excuse themselves from any accountability. We urge the government to pursue the perpetrators of this act in keeping with the rule of law. CHR, through its office in Region VIII, shall also be pursuing an independent probe on this case,” dagdag niya.

Sa ulat, patungo sa Sitio Casapa ang mga tropa ng pamahalaan nang bigla silang atakihin ng 60 miyembro ng NPA.

Babarilin sana sila ng mga sundalo nang bigla silang hinagisan ng IED.

Giit ng CHR, ang paggamit ng ganitong uri ng armas ay hindi pinapayagan sa ilalim sa International Humanitarian Law. RNT