Panibagong inflation surge, nagbabadya ngayong Disyembre-  BSP

Panibagong inflation surge, nagbabadya ngayong Disyembre-  BSP

December 29, 2022 @ 4:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inaasahan ng central bank ng bansa na mas magiging mataas ang inflation ngayong Disyembre, sa gitna ng mataas na presyo ng kuryente at agricultural products.

Inihayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Huwebes na posibleng manatili ang range ng inflation sa 7.8% hanggang 8.6%.

Kapag pumalo ang inflation rate hits sa upper end ng forecast range, mas magiging mabili ito kumpara noong Nobyembre sa 8%, na record high na sa nakalipas na 14 taon.

“Upward price pressures for the month are expected to emanate from higher electricity rates, uptick in the prices of agricultural commodities, elevated meat and fish products, and higher LPG prices,” pahayag ng BSP.

Subalit, sinabi rin nito na maaaring lumuwag ito sa pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo at bigas, kabilang na ang pagpapalakas sa Philippine peso, na naganap nitong Disyembre.

Nauna nang sinabi ni BSP Governor Felipe Medalla na posibleng bumalik ang inflation sa target ng pamahalaan sa second half ng 2023. RNT/SA