Panibagong oil price hike asahan sa paghina ng piso – DOE

Panibagong oil price hike asahan sa paghina ng piso – DOE

June 28, 2022 @ 5:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Posibleng patuloy na tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa sa mga susunod na linggo dahil sa iba’t ibang dahilan kabilang ang paghina ng Philippine peso, ayon sa Department of Energy (DOE) nitong Martes.

“Nung trend kahapon lumabas ‘yung global market price sa trading, may bahagyang pagtaas ho, so kung ganito ‘yung tutuluyan nito, magsasama ho, magcocompound ‘yung pagtaas ng presyo at ‘yung pagtaas ng dolyar,” ani Energy Undersecretary Gerardo Erguiza Jr. sa Laging Handa virtual briefing.

“We just hope ‘yung dolyar forex naman po ang bumaba ngayon,” patuloy niya.

Nagsara ang piso nitong Lunes sa P54.78:$1.

“Ang nakita namin bakit tumaas, it’s because of one variable — ‘yung forex. Binibili natin itong mga krudo natin at oil products based on the dollar, kaya nagtaas po ang forex, kaya tumaas din ang presyo natin,” paliwanag ni Erguiza.

Muli namang nanawagan si Erguiza na amyendahan ang Oil Deregulation Law “which would entail an automatic pricing mechanism, the unbundling of oil prices, and institutionalizing a minimum inventory requirement.” RNT/SA