Panibagong record breaking na pagbagsak ng Piso, naitala

Panibagong record breaking na pagbagsak ng Piso, naitala

September 23, 2022 @ 5:57 PM 2 days ago


MANILA, Philippines- Bumagsak pa sa record-breaking na lebel ang halaga ng Piso kontra Dolyar sa pagsasara ng palitan Biyernes, Setyembre 23

Sa huling ulat, bumaba pa ng isang sentimo ang halaga ng piso mula sa P58.49 sa P58.5 ngayong araw.

Ito ay ikaapat na sunod-sunod nang pagsadsad ng halaga ng piso sa bagong record low nito.

Ika-sampo naman ito sa record-low sa kasaysayan ng bansa, ito ay ang pagsasara ng palitan noong Setyembre 2, P56.77 konta $1; Setyembre 5, P56.999; Setyembre 6, P57; Setyembre 8, P57.18; Setyembre 16, P57.43; Setyembre 20, P57.48; Setyembre 21, P58 at Setyembre 22, P58.49.

Ayon kay Rizal Commercial Banking Corp. chief economist Michael Rocafort, lalo pang sumadsad ang halaga ng piso makaraang maglabas ng signal ang US Federal Reserve ng +0.75 rate hike sa Nobyembre 2 o nasa 1.00 hanggang 1.25 karagdagang Fed rate hike sa kabuoan ng taon.

Maliban dito, mas tumataas rin umano ang halaga ng dolyar dahil sa mas mataas na interest rate income ng US dollar deposits, fixed income investments and securities. RNT/JGC