Panibagong ‘surge’ ng COVID case walang kasiguraduhan – DOH

Panibagong ‘surge’ ng COVID case walang kasiguraduhan – DOH

March 30, 2022 @ 9:12 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Health (DOH) na walang kasiguraduhan ang posibilidad na magkaroon ng panibagong spike ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Sa media forum, sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na maging ang mga health expert ay hindi rin masabi kung magkakaroon o hindi ng panibagong surge ng kaso ng COVID-19 sa darating na mga buwan.

Ito ang naging pahayag ni Vergeire bilang tugon sa katanungan kaugnay sa pahayag ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Secretary Jose ‘Joey’ Concepcion III na nag-aalala sa kaunting tumanggap ng booster shots dahil maari umanong madaling kapitan ng panibagong surge ang bansa.

“The possibility is always there. Katulad ng lagi naming sinasabi the risks are here. There is no certainty as to the variants that will come in the country or will be created,” ani Vergeire.

Sumang-ayon siya na ang mga bakuna ay isang kadahilanan sa uptick ng mga kaso dahil pinipigilan nito ang mga impeksyon.

Binigyang-diin ni Concepcion ang kahalagahan ng mga booster shot na may humihinang immunity ng mga bakuna.

Gayunman,sinabi ni Vergeire na habang ang mga eksperto ay pinapayuhang kumuha ng karagdagang proteksyon, nilinaw niya na ito ay hindi nangangahulogan na ang unang serye ng bakuna ng Covid-19 vaccine ay hindi na gumagana. Pero dahil sa pagdating ng Omicron variant, ang immunity na ibinibigay nito ay nabawasan na. Jocelyn Tabangcura-Domenden