Paninigarilyo bawal sa mga sementeryo sa Undas

Paninigarilyo bawal sa mga sementeryo sa Undas

October 29, 2022 @ 11:28 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na huwag maninigarilyo kasabay ng pagbisita sa mga sementeryo, memorial parks at columbaria sa darating na Undas.

Ito ay dahil umano sa mahigpit na ipinagbabawal ito ng lahat ng local government units (LGU) sa National Capital Region (NCR).

“All LGUs in NCR do not allow smoking in specific public places including cemeteries, memorial parks, and columbaria,” pahayag ni MMDA Acting Chairman Carlo Dimayuga III.

Dagdag pa niya, multang P500 hanggang P5,000 ang kinakaharap ng mga lalabag sa direktibang ito.

“People paying respect to their deceased loved ones may be exposed to tobacco smoke. Hence, anti-smoking policies will be strictly enforced for this year’s Undas,” dagdag pa niya.

Samantala, hinimok naman ni Neomie Recio, acting head of MMDA Health, Public Safety and Environmental Protection Office, ang publiko na mahigpit pa ring sundin ang mga health regulations kaugnay ng COVID-19 sa kabila na boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask sa mga indoor at outdoor spaces.

“We encourage the public to comply with the guidelines on visiting cemeteries as the threat of the pandemic is still here,” ani Recio. RNT/JGC