Paninigarilyo, nakaliliit ng ari ng lalaki

Paninigarilyo, nakaliliit ng ari ng lalaki

May 12, 2019 @ 5:11 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Marami nang napatunayang hindi magandang epekto sa kalusugan ang paninigarilyo. Alam ng lahat na ang adiksyon at walang humpay na paninigarilyo ay nakamamatay pero may isa pang masamang balita, nakaapekto ito sa performance sa kama mapababae man o mapalalaki.

Ayon kay Harley Street urologist na si Marc Laniado, nakaliliit ng ari ng lalaki ang paninigarilyo at ang pinakamalala pa ay ang pagkakaroon ng erectile dysfunction o hirap sa pagpapatigas.

Paliwanag ni Laniado, para magkaroon ng tamang erection, kailangan ng mabuting daloy ng dugo. At dahil ang mga naninigarilyo ay mayroong mas mataas na insidente ng artherosclerosis sa lahat ng blood vessel kabilang na ang nasa ari, nakaaapekto ito sa daloy ng dugo.

“The chemicals in smoke may also have an effect on firmness; nicotine causes blood vessels to become narrow. This can be temporary or – eventually – permanent,” dagdag pa ni Laniado.

Ilang indibidwal din aniya ang nagsasabing lumiliit ang kanilang ari habang sila ay tumatanda dahil ang paninigarilyo ay nagpapatigil ng daloy ng dugo sa ari ng lalaki na kinakailangan upang ma-stretch at magkaroon ng matibay na haba.

Sa madaling sabi, ang paninigarilyo ay nagpapaliit ng ari ng lalaki.

Samantala, hindi lang lalaki ang naaapektohan ng paninigarilyo dahil maging ang mga babae ay delikado rin.

Ani Laniado, naaapektohan ng paninigarilyo ang arousal ng mga kababaihan – kung iisipin ay naaapektohan nito ang daloy ng dugo./Remate News Team