Paninindigan ng Pinas sa WPS nananatili sa ilalim ng bagong liderato ng DND, AFP

Paninindigan ng Pinas sa WPS nananatili sa ilalim ng bagong liderato ng DND, AFP

January 12, 2023 @ 3:48 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng ranking Department of National Defense (DND) official na walang pagbabago sa pangangasiwa ng militar sa West Philippine Sea (WPS).

“I think the handling of the WPS, based on the foreign policy initiated by our chief architect, the President of the Republic (Ferdinand R. Marcos Jr.), remains to continue,” ani DND Undersecretary for Capability Assessment and Development Angelito M. De Leon sa briefing nitong Miyerkules.

Ito ay kasunod ng pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr. at Gen. Andres Centino bilang bagong DND Secretary at Armed Forces of the Philippines (AFP) chief.

Pinalitan ni Galvez si resigned DND officer-in-charge Undersecretary Jose Faustino Jr. habang si Centino naman ang kahalili ni Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro.

Nauna nang sinabi ni Marcos na hindi nito papayagang mawala kahit isang pulgad ng teritory ng Pilipinas sa ilalim ng kanyang pamamahala.

Ipinag-utos ng DND sa AFP noong Disyembre na paigtingin ang presensya sa WPS kasunod ng aktibidad ng mga Chinese malapit sa Pag-asa Island.

Samantala, sinabi ni De Leon na nananatiling “high morale” ang DND at AFP personnel remains base sa turnout ng military officials sa kaganapan nitong Miyerkules.

“Let me give my assessment based on the turnout in this morning’s (Wednesday) traditional joint DND (AFP) New Year’s Call, all the key commanders were there including the key staff officers of the AFP and the DND civilian bureaus, so I think there is no issue on the morale, the morale remains high, we are focused on our mandate,” patuloy niya. RNT/SA