Paninira kay ES Rodriguez, black propaganda lang

Paninira kay ES Rodriguez, black propaganda lang

August 8, 2022 @ 9:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakumpirma na isang black propaganda lamang ang ulat na nagbitiw na sa puwesto si Executive Secretary Vic Rodriguez.

Matatandaan na mismong si ES Rodriguez ang personal na nagpasinungaling sa ulat na pagbibitiw niya sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Giit ni Rodriguez na fake news ang naturang balita at hindi siya kakalas sa administrasyon maliban na lamang kung hihilingin mismo ng Pangulo.

Base sa isang source, nakilala na umano sa pangalang Noelle Prudente ang nasa likod ng black proganda laban kay Rodriguez.

Siya umano ay isa sa naging tulay ng ilang negosyante kay Pangulong Marcos at isa sa nag-solicit umano para mapondohan ang UniTeam campaign.

Sinasabing si Prudente ang nagsisilbing power broker ngayon sa Malacañang.

Ilan umano sa mga idinidiga ni Prudente ang mga posisyon sa Bureau of Customs (BOC), Bureau of Internal Revenue (BIR) at Land Transportation Office (LTO). RNT