PANOORIN: PCSO exec slay, sapul sa CCTV

PANOORIN: PCSO exec slay, sapul sa CCTV

July 31, 2020 @ 7:30 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inilabas ng pulisya ang kuha ng closed circuit television (CCTV) sa pagpatay kay dating heneral ng Philippine National Police at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board Secretary Wesley Barayuga sa Mandaluyong.

Iprinisenta ng Mandaluyong Police sa isang press briefing sa National Capital Region Police Office ang nasabing bidyo.

Makikita rito ang putting sasakyan ni Barayuga na malapitang tinutukan at pinagbabaril ng nag-iisang gunman na nakasakay sa motorsiklo.

 

 

Ayon naman kay Mandaluyong police chief Col. Hector Grijaldo Jr. na bukod sa gunman, pinaniniwalaan ng pulisya na mayroon pang isang motorsiklo na katulong ng gunman sa krimen.

Ayon naman kay Grijaldo, na maaring may suspek rin sa krimen na nakasakay sa naunang light brown na sasakyan.

 

 

Giit ni Grijaldo na tumulong umano ang sasakyan na pabagalin ang takbo ng sasakyan ng biktima.

 

 “Batay po sa CCTV po natin may dalawa pong motor na ginamit at magkaiba po yung sakay at meron po yung isang kotseng light brown na siya po yung nag slow down o humarang doon sa sasakyan ng biktima at ito po ay walang plate number na pagkakilanlan tapos ito po yung nabangga nung pickup na sinasakyan ni Mr. Barayuga,” ani Grijaldo. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...