Pantabangan at Magat Dam bantay sarado dahil sa super typhoon Karding

Pantabangan at Magat Dam bantay sarado dahil sa super typhoon Karding

September 25, 2022 @ 6:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Mahigpit na binabantayan ngayon ng National Irrigation Administration (NIA) ang Pantabangan at Magat Dam dulot ng Super Typhoon Karding.

Sa Facebook post ng NIA nabatid na naka monitor ang ahensya at binabantayan ang Pantabangan Dam sa lalawigan ng Nueva Ecija at ang Magat Dam sa Isabela.

Mismong si NIA Administrator Benny D. Antiporda ang nanguna sa pagmonitor sa mga naturang dam sa NIA Central Office Command Center kabilang si Irrigation Engineering Center (IEC) Division Manager Jerome R. Osias at Operations Department Manager Leslie C. Dizon upang personal na imonitor ang kasalukuyan sitwasyon ng dalawang pangunahing dam sa Luzon.

Ayon sa NIA ang pagmonitor sa dam ay bahagi ng NIA’s Crisis Management Plan and Quick Action Response lalo na sa panahon ng kalamidad at natural disasters.

Ito’y upang maiwasan at mapaghandaan ang maaaring pinsalang idulot sa mga naturang dam ng Super typhoon Karding.

Kaugnay nito ang Management ng NIA ay patuloy na pinaaalalahanan ang publiko na manatiling alerto at ireport ang ano mang maaaring pinsala sa irrigation bunsod ng bagyong Karding. Santi Celario