Pantawid Pasada Cards, pinamimigay na ng LTFRB

Pantawid Pasada Cards, pinamimigay na ng LTFRB

July 18, 2018 @ 2:03 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Nagsimula nang ipamigay ng Land Transportation Franchising & Regulatory Board (LTFRB) sa mga jeepney franchise holder ang kanilang Pantawid Pasada Cards sa Central Office , kahapon (July 17).

Patuloy ang pamimigay ng cash card sa mga eligible recipients mula sa Central Office (CO) at National Capital Region (NCR), na nagsimula kahapon hanggang ngayong Miyerkules (July 18), 8am-5pm sa Bulwagang Edu, Land Transportation Office (LTO) main office sa East Ave., QC.

Nasa 179,000 na valid franchise holders ng mga Public Utility Jeepneys (PUJ) sa buong Pilipinas ang makikinabang sa Pantawid Pasada Fuel Program.

Makatatanggap ang bawat beneficiary ng Pantawid Fuel card na naglalaman ng P5,000 bilang fuel subsidy para sa taong 2018.

Ang inisyal na pamimigay ng cash card ay nagsimula kahapon sa LTFRB kung saan 500 na cards ang available para sa mga beneficiaries.

Matatandaan noong nakaraang linggo ay naudlot ang pamimigay ng cash cards dahil nagkaroon ng concensus ang LTFRB kasama ang Department of  Transportation kung saan napagdesisyonan na ipamahagi na lang ang sampung libong cash cards na naglalaman ng tig-limang libong piso, kaysa sa buwanang P833.00.

Ang cash cards ay tulong ng gobyerno sa mga jeepney operator at drivers na apektado ng excise tax sa mga produktong petrolyo. (Remate News Team)