Panukala para makapagpatayo ang farmer cooperatives ng multi purpose hubs inihain sa Kamara

Panukala para makapagpatayo ang farmer cooperatives ng multi purpose hubs inihain sa Kamara

December 22, 2022 @ 12:18 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Isinusulong ni Bataan Rep Geraldine Roman ang pagkakaroon ng kooperasyon sa hanay ng mga magkukumpetensyang farmer associations at cooperatives sa pamamagitan ng pageestablisa ng cluster hub at multipurpose na sila mismo ang siyang mangangasiwa.

Ayon kay Roman layon ng House Bill 230 o “Farmer Coopetition Act na himukin ang mga farmer associations na magkaroon ng “cooperative competition” kung saan ang mga itatayong hubs ang syang magiging venue maaaring ibenta ang ang kanilang produkto.

“The so-called “coopetition” hubs will provide a venue for produce sourcing by major buyers like the government and the retailers, cutting out the middleman. the hubs will open up the possibility of direct marketing for rice and related products to retailers and consumers; manufacturing of rice products by farmers; and shared rice processing and storage facilities”paliwanag ni Roman na syang pangunahing may akda ng panukala at syang Chairman ng House committee on women and gender equality.

Ipinaliwanag ni Roman na kung mawawala ang middleman sa transaksyon ng mga magsasaka ay tiyak ang malaking kita ng mga ito at mas mahihikayat na ipagbuti pa ang kanilang pagtatanim.

“We are an agricultural country with a population of over 100 million of which about 10 million – or 24% of the total national employment – are rice farmers. Sadly, over 34% of our rice farmers are poor. They struggle to make less than P200 a day,”giit ni Roman.

Positibo ang lady solon na kung maisasabatas ang HB 230 at mismong mga asosasyon ng mga magsasaka ang syang mangangasiwa ng mga cluster hubs ay tiyak ang kanilang magiging kita.

“Low income prevents our rice farmers from supporting their families, accessing and paying farm loans, and growing rice production. It has dampened interest in farming, if HB 230 will become a law it will require cooperation among associations in managing multi-purpose hubs suitably equipped to help farmers capture more value from their harvest”paliwanag pa ng mambabatas.

Sinabi ni Roman na ang kanyang panukala ay kanyang susubukan sa kanyang distrito upang magsilbing pilot area at umaasa syang susuportahan ng kanyang kapwa mambabatas ang panukala lalo at nangangailangan ng suporta ang mga magsasaka lalo na pagtiyak na mayroon itong malaking kita. Gail Mendoza