Panukala sa pagtatatag ng National Mariculture Program inihain sa Kamara

Panukala sa pagtatatag ng National Mariculture Program inihain sa Kamara

October 12, 2022 @ 5:17 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Para matiyak ang food security ng bansa, isang panukala ang inihain sa House of Representatives ni Agri Partylist Rep Wilbert Lee na nagsusulong na palakasin ang National Mariculture Program (NMP) sa buong bansa.

Sa ilalim ng House Bill 5531 o National Mariculture Program ay palalawakin sa buong bansa ang NMP, sa ngayon ang NMP ay ipinatutupad lamang ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa limitadong lugar.

Ang mariculture ay ang pagsasaka ng mga aquatic plants at isda sa pamamagitan ng sea cages, long lines at culture structures sa mga marine at coastal areas.

“High value species, such as bangus, siganid, seaweeds, oysters, mussels, red snappers, groupers, among others, can be grown through this method,” ani Lee.

Sa oras na maisabaas ang panukala ay gagawin na ang NMP sa mas maraming lugar sa bansa.

“Our country is one of the world’s top producers of fish and aquatic plants. Given our distinct advantage in natural resources we must exert greater effort to ensuring that we can use these amid the dangers of the climate crisis and increasing food insecurity.Mariculture could provide a renewable and scalable source of food for Filipino families, as well as livelihood for those living in fishing communities,” paliwanag ni Lee.

Sinabi ni Lee na kung maisasabatas ang panukala ay bibigyan ng mandato na magkaroon ng ecosystem-based approach sa fisheries management kung saan tuturuan ang mga mangingisda ng technical skills kung paano ang mabilis na paraan ng pagpapadami ng huling isda.

“This will ensure that the marine environment remains conducive to sustainable fisheries, species management and mariculture investment. The government would also be tasked with minimizing the adverse effects of mariculture in view of the multiple uses of marine and coastal areas.The government would also be required to improve the viability of mariculture by developing the technical skills of fishermen throughout the production, harvesting, processing, storage, and transport stages in the value chain; providing appropriate infrastructure and equipment for post-harvest technology; and ensuring easy access to finance,” dagdag pa ng mambabatas.

Ayon kay Lee, ngayon na ang panahon para palawakin ng bansa ang food production capabilities nito sa harap na rin ng lumalaking epekto ng climate change.

“We are among the most vulnerable countries in the world, thus our food security is at serious risk. Kung hindi natin paiigtingin ang paghahanap ng mga solusyon para mapabuti ang ating food production, mananaig ang kagutuman sa bansa. Magandang solusyon ang mariculture sa layuning ito. Kung madi-develop nang maayos, winner tayo lahat,” pagtatapos pa ni Lee. Gail Mendoza