Panukala vs ‘hoax ordering’ inaprubahan sa Senado

Panukala vs ‘hoax ordering’ inaprubahan sa Senado

January 17, 2022 @ 7:00 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Inaprubahan sa senado nitong Lunes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang naglalayon na gawing krimen ang “hoax ordering” upang maprotektahan ang delivery riders mula sa bogus transactions.

Sa botong 23-0-0, inaprubahan sa senado ang Senate Bill 2302 o ang panukalang Food, Grocery, and Pharmacy Delivery Service Act.

Nilalayon ng panukala na ipagbawal ang hoax orders, kanselasyon ng kumpirmadong orders, at pagtanggi na tumanggap ng hindi pa bayad na orders.

Ipinagbabawal din ng panukala ang paggamit personal na impormasyon ng ibang tao sa  rehistrasyon sa food, grocery, at pharmacy delivery service.

Ipinagbabawal din ng SB 2302 ang food, grocery, at pharmacy delivery service application providers na gawing requirement sa delivery riders at drivers ang advance na bayad sa orders.

Sa kaso naman ng kanselasyon ng kumpirmadong orders, kailangang magbayad ng food, grocery, at pharmacy delivery service sa delivery riders o drivers para sa service fee nila.

Ang sinumang lalabag sakaling maisabatas ito ay haharap sa arresto mayor at magmumulta ng hanggang P100,000 at isasawalang-bisa nag lisensya at permit. RNT/SA