Panukalang gawing bayan ang uncrowded na munisipalidad pero mayaman aprub na sa Kongreso

Panukalang gawing bayan ang uncrowded na munisipalidad pero mayaman aprub na sa Kongreso

January 29, 2022 @ 4:52 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Pormal nang inaprubahan ng Malaking Kapulunan ng Kongreso ang panukalang aamienda sa Republic Act 7160 o ang Local Government Code of 1991 upang mas madaling gawing siudad ang isang munisipalidad.

Upang mapadali ang pagsasabatas nito ay in-adapt ng mga kongresista Senate Bill 255 upang magawang siudad na ang mga munisipalidad na kwalipikado.

Nakasaad sa panukala na ang isang munisipalidad ay agarang magiging siudad kung ito ay populasyon ng 100,000 residente o may teritoryo na 100 square meters.

Ngunit sa consolidated bill nagsasaad na bago maging siudad ay dapat may taunang income ito na P250 milyon.

Sa ilalim ng Section 450 ng RA 7160, ang financial qualification para maging siudad ay dapat may taunang income na P100 milyon sa magkasunod na taon base sa 2000 constant prices.

Ang kasalukuyang batas ay nangangailangan ng populasyon na 150,000 inhabitants sa kaparehong teritoryo na 100 square kilometers.

Sinabi ni Cavite Fifth District Rep. Dahlia Loyola, pangunahing may-akda ng panukala na dapat maging pangunahing dahilan ng kumbersyon ay ang economic viability kung saan inihalimbawa nito ang mga siudad sa ibang bansa gaya ng Nauru at Monaco.

Ang Nauru aniya ay may lawak na 22 square kilometers at nasa 13,000 lamang ang populasyon samantalang ang Monaco naman ay may 1.81 square kilometer land area at 32,000 populasyon.

“If the above political entities have attained their status as an independent state despite its small population and land area, all the more reason for municipalities which have time and again demonstrated their capacity to thrive despite their small population and land area to be allowed to upgrade its status to that of a city,” banggit pa ni Loyola. (Meliza Maluntag)