Panukalang karagdagang service incentive leave ng mga empleyado, oks na sa Kamara

Panukalang karagdagang service incentive leave ng mga empleyado, oks na sa Kamara

November 15, 2022 @ 5:39 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Inaprubahan sa Kamara ang panukalang nagsusulong ng pagdaragdag sa taunang service incentive leave ng mga empleyado sa pribadong sektror mula sa lima, sa 10 araw.

Nakalusot ang House Bill 988 sa ikatlo at huling pagbasa sa plenary session nitong Martes, kung saan 273 ang bumoto pabor dito na walang objectionsat walang abstention.

Inakda ni Baguio City Rep. Mark Go, layunin ng panukala na amyendahan ang Labor Code of the Philippines.

Nakasaad sa amendment na kada empleyado na nakakumpleto ng hindi bababa sa isang taon ng trabaho ay kwalipikado sa annual service incentive leave na 10 araw.

Subalit, hindi pasok dito ang mga manggagawa na natatamasa na ito at mga nagtatrabaho sa mga establisimiyento na hindi aabot sa 10 ang empleyado. RNT/SA