Panukalang magde-decriminalize sa libel inihain ulit sa Kamara

Panukalang magde-decriminalize sa libel inihain ulit sa Kamara

July 17, 2022 @ 2:09 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines -Inihain muli ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Rep. France Castro ang panukalang batas sa House of Representatives na magde-decriminalize ng libel.

Sinabi ni Castro na isinampa niya muli ang House Bill 1769 sa 19th Congress kasunod ng pagtibayin ng Court of Appeals ng cyber libel conviction ng Rappler chief executive officer Maria Ressa, isang Nobel Peace Prize laureate, at ang dating researcher ng news organization na si Rey Santos Jr.

“The affirmation of the guilty verdict against Ressa and Santos is a clear example of how the law can be used against the media and even ordinary citizens and forced to be silenced,” ani Castro sa isang pahayag.

“In fact, even as Philippine media has the distinction of having produced a Nobel Peace Prize laureate, Rappler’s Maria Ressa, the Philippine government, on the other hand, has the notorious distinction of being the hand behind the cyber libel cases against her,” pagbanggit mismo ni Castro sa kaso nina Ressa at Santos sa explanatory note ng panukalang batas.

Binanggit din ni Castro na ang batas ng libelo ng bansa ay “nagresulta sa paglaganap ng mga balat-sibuyas sa mga opisyal ng gobyerno at mga pampublikong tao.”
“It caused the gagging of media practitioners, the concealment of the truth from public knowledge, prior restraint and chilling effect, and the resulting incapacitation of the people from gaining a meaningful understanding of the various public issues that are of paramount concern,” giit pa ni Castro.

Ang panukalang batas ay unang inihain noong 14th Congress ng Bayan Muna Representatives, sa pangunguna ni noo’y Rep. Satur Ocampo, at na-refile noong ika-15 hanggang ika-18 na Kongreso.

“This refiling in the 19th Congress, along with the refiling of the proposal of ACT Teachers Party-List to repeal several provisions of the Cybercrime Law, including cyberlibel (House Bill 569), is an obstinate yet hopeful stance that Congress will finally recognize the ever-growing need to protect press freedom and uphold the people’s democratic rights,” ayon pa sa mambabatas. RNT