Panukalang magpapababa sa presyo ng gamot, kahirapan itutulak sa Kamara

Panukalang magpapababa sa presyo ng gamot, kahirapan itutulak sa Kamara

November 24, 2022 @ 6:48 AM 6 days ago


MANILA, Philippines – Itutulak ng House of Representatives committee on poverty alleviation, na pinamumunuan ni Rep. Mikee Romero ng 1-Pacman party-list, ang pag-apruba sa poverty reduction bill at panukalang batas na magpapababa sa halaga ng mga gamot.

Kabilang sa mga panukalang ito ay ang:

  • Drugs and Medicines Regulation Act; the Rental Housing Subsidy Bill;

  • National Land Use Act;

  • Pandemic Resiliency Bill;

  • Young Farmer and Fisherfolk Challenge Program;

  • Unified System of Separation, Retirement and Pension;

  • at institutionalization of the Assistance to Individuals in Crisis Situation program.

Inirekomenda rin ng National Economic and Development Authority (NEDA) na aprubahan ang lahat ng mga panukalang batas, na sinabi ni Romero na susi sa pagkamit ng mga layunin ng eight-point socio-economic development agenda ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. RNT