Panukalang magpapalakas sa OGCC bineto ni PBBM

Panukalang magpapalakas sa OGCC bineto ni PBBM

July 23, 2022 @ 10:45 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Bineto (veto) ni Pangulong Ferdinand “BongBong” Marcos Jr. ang Senate Bill 2490/House Bill 9088 na may titulong “an Act Strengthening the Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) By Rationalizing and Further Professionalizing Its Organization, Upgrading Positions and Appropriating Funds Therefor.”

“The President cites, among others, the excessive remuneration to be given the OGCC lawyers, the grant of supervision and control over legal departments of government corporations, the distortion of the relationship with the Secretary of Justice, and the possible violation of the One Trust Fund policy of government,” ayon kay Press Secretary Trixie Cruz- Angeles.

Matatandaang, dininig sa Senado ang mga panukalang batas na naglalayong palakasin ang Office of the Government Corporate Counsel (OGCC).

Ayon kay Government Corporate Counsel Justice Elpidio Vegal, kailangang palakasin ang OGCC lalo pa’t dumarami ang bilang ng government corporations.

Paliwanag ni Vega, trabaho nila na maging kinatawan ng government corporations sa kaso para o laban sa kanila.

Hiling din ng OGCC na mapalakas ang ahensiya para makapag-hire sila ng karagdagang abogado at staff na tutugon sa dumaraming legal requirements na kailangang resolbahin.

Ang OGCC kasi ay isa rin sa may pinakamaliit na budget na ahensiya ng gobyerno.

Base sa datos nitong June 15, umabot sa halos 7,000 kaso ang kailangan nilang resolbahin kung saan 121 ang nadesisyunan habang 69 naman ang may favorable decision. Kris Jose