Panukalang magpapataw ng mas mabigat na parusa vs child abuse, inihain sa Kamara

Panukalang magpapataw ng mas mabigat na parusa vs child abuse, inihain sa Kamara

November 22, 2022 @ 2:09 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Isang panukalang batas ang inihain sa House of Representatives na naglalayong patawan ng mabigat na parusa ang sinumang mang-abuso, magsamantala at magdiskrimina sa mga bata.

Layon ng inihaing House Bill 226 ni Bataan Rep. Geraldine Roman na maamyendahan ang Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act”.

Ang nasabing panukala ay una nang naihain ni Roman noong 18th Congress na nakalusot sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara subalit hindi naman umusad sa Senado, umaasa ang lady solon na ngayong 19th Congress ay mabibigyang prayoridad ng Kongreso bunsod na rin nakakaalamang insidente ng child abuse.

Sa ilalim ng panukala ni Roman ay mahaharap sa kaukulang kaso ang sinuman na kukuha, gagamit at magsasamantala sa mga bata na pumasok sa isang malaswang gawain kabilang na ang pagmomodelo para sa isang obscene publications at pagkaraan ay ibebenta.

Sinumang mapapatunayang sangkot ay papatawan ng 14 hanggang 17 taong pagkakakulong, subalit kung ang biktima ay 12 anyos pababa ay 30 hanggang 40 taon na pagkakakulong ang syang ipapataw na parusa.

“Accompanying a minor by any person who is not related to the child within the fourth degree of consanguinity or affinity or any bond recognized by law in any public or private place (hotel, motel, beer joint, discotheque, cabaret, among others) shall suffer the penalty if imprisonment and a fine of not less than P500,000,” paliwanag ni Roman.

Ang mga masasangkot sa child labor ay papatawan ng kulong na 1 hanggang 6 na taon at multa na P100,000 hanggang P400,000 subalit kung ipapasok sa isang “hazardous work” ang isang bata ay hanggang P1,000,000 ang magiging multa at maaaring makulong ng 12 hanggang 20 taon.

Maging ang magdidiscriminate sa mga bata lalo na ang nasa hanay ng indigenous cultural communities ay may kalalagyan din sa batas na isinusulong ni Roman.

“Any person who discriminates against children of indigenous cultural communities shall suffer a penalty from two years, four months and one day up to four years and two months, and a fine of not less than P50,000 nor more than P100,000 and the offender will also undergo a reeducation and reorientation program on the indigenous peoples’ culture in the Philippines,” ayon pa sa mambabatas.

“Equal opportunity is a state of fairness in which individuals are treated similarly, unhampered by artificial barriers, prejudices or preferences, except when particular distinctions can be explicitly justified,” pagtatapos niya. Gail Mendoza