Panukalang mas malaking discount sa electricity, water bills ng seniors oks na sa Kamara

Panukalang mas malaking discount sa electricity, water bills ng seniors oks na sa Kamara

January 17, 2022 @ 5:24 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Inaprubahan na sa kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang naglalayon na itaas ang discount sa senior citizens sa kanilang monthly electric at water consumptions.

Sa plenary session nitong Lunes, 203 mambabatas ang sumang-ayon sa House Bill 10568 o An Act Increasing the Discount Rate and Exempting from the Value Added Tax the Monthly Electric and Water Consumption Granted to Senior Citizens, Amending for the Purpose Republic Act No. 7432, as amended, Otherwise Known as the “Expanded Senior Citizens Act of 2020.”

Iginagawad ng panukala ang 10 porsyentong discount sa monthly utilization ng tubig at kuryente mula sa public utilities at exemption mula sa value added tax.

“Provided that the individual meters for the foregoing utilities are registered in the name of the senior citizen residing therein: Provided, further, that the monthly consumption does not exceed 150 kwh of electricity and 30 cubic meters of water,” dagdag pa dito.

Ayon sa naturang panukala, igagawad ito kada tahanan, kahit ilan pa ang naninirahang senior citizens doon. RNT/SA