Panukalang nagdagdag proteksyon, benepisyo sa media workers lusot na sa Kamara

Panukalang nagdagdag proteksyon, benepisyo sa media workers lusot na sa Kamara

January 18, 2021 @ 7:56 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inaprubahan na ng Kamara sa ikatlong pagbasa ang panukalang nagbibigay ng karagdagang proteksyon, seguridad, at benepisyo sa media workers.

Nagtamo ng 218 votes ang House Bill 8140 o ang proposed “Media Workers’ Welfare Act.”

Sa ilalim ng panukala, nararapat sa media workers na nasa pribadong sektor ang minimum wage na itinakda ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board, maging ang overtime pay, night shift premiums, hazard pay, at iba pang kompensasyon sa ilalim ng Labor Code of the Philippines at iba pang batas.

Kasama sa benepisyo ang P200,000 sa bawat media worker na masasawi habang nasa duty;  disability benefit na P200,000 para sa partial disability; at insurance benefit na P100,000.

Welcome naman kay Bayan Muna party-list Representative Carlos Zarate ang naturang hakbang.

“Ang mga manggagawa sa sector ng media ay ang laging nauuna pagdating sa iba’t ibang mga kaganapan dito sa ating bansa, at wala itong pinipiling panahon—dahil trabaho nila ang maghatid ng balita at impormasyon sa madla,” aniya.

“Dahil sa pagkilala ng karapatan ng mga media workers at pagbibigay sa kanila ng mga dagdag na benepisyo, lalo na ang pagkakaroon ng mandatory insurance ay bumuboto ng ‘Yes’ ang representasyon na ito sa HB 8140.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •