Panukalang P5.268T nat’l budget isusumite na sa Kamara ngayong araw

Panukalang P5.268T nat’l budget isusumite na sa Kamara ngayong araw

August 22, 2022 @ 7:41 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Isusumite ngayong umaga ng Department of Budget and Management (DBM) sa Malaking Kapulungan ng Kongreso ang panukalang P5.268 trilyong 2023 pambansang badyet.

Ito ang kauna-unahang panukalang badyet na gugugulin sa unang isang taon ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ang National Expenditure Program (NEP) ang pambansang badyet para sa 2023 ay ihahain ng pangulo sa Kongreso sa pamamagitan ng DBM sa pangunguna ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ngayong alas 10:00 ng umaga sa Speaker’s office.

Nakatakdang humarap ngayong umaga sa DBM para tanggapin ang panukalang badyet ay sina House Speaker Martin G. Romualdez, Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, Minority Leader Marcelino Libanan, House Committee on Appropriations chairman at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co at ang senior vice chairperson ng komite na si Marikina City Rep. Stella Luz A. Quimbo.

Sa ilalim ng saligang batas ang, “President shall submit to the Congress within 30 days from the opening of every regular session, as the basis of the general appropriations bill (GAB), a budget of expenditures and sources of financing, including receipts from existing and proposed revenue measures.”

Bahagi ng isusumite ng pangulo ay ang mensahe nito sa mga mambabatas at para sa buong bansa.

Ang panukalang badyet at iba pang kalakip na dokumento ay hihimayin sa Malaking Kapulungan ng Kongreso “all appropriation, revenue or tariff bills, bills authorizing increase of the public debt, bills of local application, and private bills shall originate exclusively in the House of Representatives, but the Senate may propose or concur with amendments.”

Ngunit anumang isusumite ng Malakanyang sa mga kongresista ay siya ring ibinibigay na kopya sa Senado kaalinsabay ng pagsusumite sa Malaking Kapulungan ng Kongreso.

Inaasahang tatapusin ng liderato ng Kamara ang paghimay sa bawat komite at debate sa plenaryo hanggang October 1 bago mag-recess ang Kongreso.

“Last Congress, we did it, we were able to beat the September 30 deadline. We gave all members of the House time to deliberate, interpellate intelligently on all departments,” ayon kay Dalipe.

Dagdag pa ng kongresista na “the budget process starts here and we want to give all House members time to scrutinize the proposed budget. I can confidently say that we can make the September 30 deadline.” Meliza Maluntag